Napanatili ng bagyong Jolina ang lakas nito habang nagbabanta sa lalawigan ng Aurora.
Ayon sa PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, huling namataan ang bagyo sa layong 110 kilometro timog silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging papalo sa 80 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong papalo sa 95 kilometro.
Dahil dito asahan ang manaka-nakang malakas na buhos ng ulan sa malaking bahagi ng Luzon simula ngayong araw.
Kasalukuyang nakataas ang Signal No. 2 sa Isabela, Aurora, Quirino, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Sur, Benguet, Abra, La Union at Nueva Vizcaya.
Signal No. 1 sa Cagayan kabilang ang Babuyan group of islands, Apayao, Ilocos Norte, Nueva Ecija, Pangasinan, Northern Quezon kabilang ang Polillo Island, Catanduanes at Camarines Norte.
Pinaalalahanan naman ang mga lugar na nasa ilalim ng storm warning signal na mag-ingat sa mga posibleng pagbaha at landslides.