Tila hindi nauunawaan ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang batas hinggil sa Customs.
Ayon ito kay Senador Panfilo Lacson matapos mismong isang dating Deputy Commissioner ng Customs ang nagsabing ang importasyon ng semento ay bahagi ng trade agreement kayat hindi ito subject sa customs duties and tariffs.
Sinabi ni Lacson na maaari rin namang sinadya ni Faeldon na mag sinungaling sa harap ng media para lamang mabanatan siya.
Kasabay nito kinuwestyon ni Lacson ang pahayag ni Faeldon na target lamang niya na mapatalsik ito sa customs kayat siya nagsagawa ng expose.
Bago pa man ang kaniyang expose tungkol sa mga sangkot sa tara o payola sa customs ay tinanggal na si Faeldon bilang Customs Chief.
By: Judith Larino / Cely Bueno
SMW: RPE