Dapat nang suspindihin ang itinakdang panibagong pagdinig sa posibleng paglabag sa Anti-Money Laundering Law ni COMELEC o Commission on Elections Chairman Andres Bautista.
Ito ayon kay Senate Committee on Banks Chairman Francis Escudero ay dahil mayroon nang kongresista na nag endorso sa impeachment complaint laban sa pinuno ng COMELEC.
Subalit sinabi ni Escudero na kokonsultahin muna niya sina Senador Tito Sotto at Panfilo Lacson na kapwa may-akda ng resolusyon na nananawagan ng imbestigasyon sa nasabing usapin.
Kumbinsido naman si Lacson na dapat nang suspindihin ang imbestigasyon dahil sa sandaling mai-akyat sa Senado ang impeachment complaint silang mga Senado na ang tatayong judge.
Magugunitang iimbitahan sana sa susunod na hearing ng Committee on Banks si Bautista at hihilingin ditong magpalabas ng waiver para walang maging isyung legal sa pagbusisi sa umanoy mga bank accounts nito sa Luzon Development Bank o LDB.
By Judith Larino / Cely Bueno
SMW: RPE