Suspendido ngayong araw na ito ang biyahe ng mga bus patungo sa mga lalawigan sa Norte na nasa public storm signal number 2 dahil sa bagyong Jolina.
Kabilang dito ayon sa LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga biyahe ng bus sa Isabela, Aurora, Quirino, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Abra, La Union at Nueva Vizcaya.
Dahil dito pinayuhan ng LTFRB ang bus operators na tutukan at ibigay ang lahat ng kailangan ng mga pasaherong nasa terminals nila.
By Judith Larino
SMW: RPE