Aminado ang AFP o Armed Forces of the Philippines na nakatakas ang natitirang miyembro ng Maute group na nagkuta sa nabawing Grand mosque na nasa sentro ng Marawi City.
Ang pagbawi sa Grand mosque ay isa sa mga achievement ng tropa ngayong linggo kaugnay sa patuloy na pagtugis sa mga natitirang terorista sa Marawi.
Sinabi ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na posibleng bago napasok ng militar ang Grand mosque ay nakalipat na sa ibang lugar ang natitirang stronghold ng mga terorista.
Batay sa pagtaya ni Padilla nasa humigit kumulang 50 na lamang ang natitirang Maute group hawak ang kanilang 30 bihag.
By Judith Larino / (Ulat ni Aileen Taliping)
SMW: RPE