Hinimok ni United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard ang pamahalaan na tiyaking hindi na mauulit pa sa iba ang pagkamatay ng 17-anyos na si Kian Delos Santos.
Ayon kay Callamard, dapat matiyak na magiging huli na ang kaso ni Kian sa kampanya ng pamahalaang kontra iligal na droga.
Una nang binansagan ni Callamard ang pagkamatay ni Kian bilang isang murder at nanawagan ng masusing imbestigasyon sa aniya’y labag sa batas na mga pagpatay.
Kahapon din ay nagpaabot na ng pakikiramay si Callamard sa pamilya Delos Santos matapos na mailibing ang napatay na binatilyo.
By Krista De Dios
SMW: RPE