Tinatayang 300 korte sa buong bansa ang i-a-adopt ang e-court system bago matapos ang 2017.
Ayon kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, sa ngayon ay 274 na ang nasa e-court system habang 24 na iba pa ang sumasailalim sa training.
Sa ilalim ng sistema ay nagsasagawa ng automated hearing pagkatapos nito ay agad na ilalabas ang court order.
Maaari rin aniyang ma-check ng mga abogado ang kanilang hawak na kaso sa pamamagitan ng kanilang smart phone at laptop.
Positibo ang punong mahistrado na dahil sa naturang sistema ay mapabibilis nito ang proseso ng trial time.
By Rianne Briones