Ang selebrasyon ng National Heroes’ Day ay hindi lamang para sa mga nagpakita ng katapangan noon.
Ito ang binigyang diin ni Senador Joel Villanueva kasabay ng paggunita sa Araw ng mga Bayani ngayong araw.
Ayon kay Villanueva dapat isama sa mga aalalahanin at bigyang pahalaga ang katapangang ipinakikita ng mga sundalong patuloy na nakikipaglaban para muling mabawi ang Marawi City mula sa mga terorista.
Gayundin aniya, mabuting kilalanin ang mga modern day heroes na nagsasakripisiyo na magtrabaho sa ibang bansa, hindi lamang para sa kanilang pamilya kundi maging sa katatagan ng ekonomiya.
Kasabay nito, hinimok ni Villanueva ang mga kabataan na gawing inspirasyon ang mga ginawa para sa bansa ng mga pambansang bayani para at tumulong para sa pagkakaroon ng isang matatag, maunlad at mapayapa na bansa.