Iginiit ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon ang paghawak ng Ombudsman sa imbestigasyon sa kaso ng pagkakapaslang sa binatilyong si Kian Loyd Delos Santos.
Ayon kay Drilon, hindi tulad ng DOJ o Department of Justice, ang Office of the Ombudsman ay isang independent body.
Sinabi pa ni Drilon, hindi aniya maiiwasang isipin na ang DOJ ay may pinapanigan matapos ang mga insidente ng pag-downgrade sa kaso ng pagkakapaslang kay dating Albuera Leyte Ronald Espinosa na kinasasangkutan din ng mga pulis.
Nababahala rin ang senador na posibleng magresulta pa sa pagkakabasura ng kaso laban sa tatlong Pulis – Caloocan ang magkaibang resulta ng otopsiya na isinagawa ng PAO o Public Attorney’s Office at Philippine National Police (PNP) – Crime Lab.
Hindi rin aniyang maiiwasang mabahiran ang PAO dahil nasa islalim ito ng DOJ.