Isinusulong ni Senador Antonio Trillanes ang pagsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon ng committee on way on means ng senado kaugnay ng umano’y ‘tara system’ sa BOC o Bureau of Customs.
Sa isinumiteng Senate Resolution No. 474 ni Trillanes, kanyang isinaad na dapat siyasatin ang posibleng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act ng BOC officials na nasasangkot sa kontrobersiya.
Iginiit din ni Trillanes na ang pagsasagawa ng imbestigasyon ay makatutulong para makabuo ng panukalang makapagpapatibay sa umiiral na batas para isinusulong na reporma sa BOC.
Ang nasabing resolusyon ay kasunod aniya ng pag-amin ni customs broker Mark Taguba na nagbigay ito ng P27,000.00 ‘tara’ sa ilang BOC officials para makapagpalusot ng kargamento.
By Krista de Dios