Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang probinsya ng Pampanga.
Ito ay matapos ang bird flu outbreak sa San Luis na ngayo’y kontrolado na.
Sa kanyang talumpati ay binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng food security kabilang na ang mga poultry product sa bansa.
Kasabay nito ay namahagi rin ng bayad o check payments ang Pangulo sa mga naapektuhang farm owners, P80 para sa kada manok o patong pinatay at P10 naman kada isang pugo.
Aabot naman sa 400 military personnel ang pinagkalooban ng certificates of appreciation na tumulong ma-kontrol ang bird flu sa nasabing lalawigan.
Samantala, nakisalo ang Pangulo sa isang boodle fight upang ipakitang ligtas kainin ang mga poultry product katulad ng itlog at manok.
Ilan sa mga inihain ay adobong balot, pritong pugo, adobong manok, litson manok, kalderetang bibe at nilagang itlog ng manok.
Kasama rin sa nasabing aktibidad sina Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo, Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, and Health Secretary Paulyn Ubial.
AR / DWIZ 882