Hawak na ngayon ng militar ang isang catholic church sa pusod ng Marawi na kinubkob nuon ng Maute-ISIS.
Ipinabatid ni Captain Joan Petinglay, spokesperson ng Joint Task Force Marawi na nabawi ng tropa ang St. Mary’s Cathedral sa Brgy. Marinaut.
Ang St. Mary’s Cathedral ang ipinakita nuon sa video ng mga terorista na kanilang sinisira kung saan winasak pa nila ang mga rebulto ng santo.
Tatlong matataas na kalibre ng baril at mga bala ang narekober ng tropa sa loob ng nabawing simbahan.
Isang araw bago ang pagbawi sa simbahan nabawi na rin ng militar ang Grand Mosque na siyang Islamic Center ng Marawi.
By: Judith Larino / Jonathan Andal
SMW: RPE