Hinihikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Local Government Units (LGUS) na gamitin ang ginawang web-based system sa pag-monitor ng drug policies at programs ng gobyerno.
Paliwanag ni DILG Officer-In-Charge Catalino S. Cuy napapanahon na estratehiya ang paggamit sa information technology sa pagsugpo sa matinding problema ng illegal drugs sa bansa.
Ang pinatutungkulan ni Cuy ay ang tinatawag na Integrated Drug Monitoring and Reporting System (IDRMIS) kung saan kinokolekta at sinusuri ang mga impormasyon kaugnay ng drug abuse prevention ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, LGUS, at organisasyon.
Ang Dangerous Drug Board (DDB) ang bumuo sa naturang sistema na kanilang magiging gabay sa paggawa ng mga plano at polisiya kontra ilegal na droga.
Isasailalim naman ng DILG sa training sa Integrated Drug Monitoring and Reporting System ang mga kinatawan ng Anti-Illegal Drug Abuse Council (ADAC) ng bawat LGUS.
By: Meann Tanbio
SMW: RPE