Ipinag-utos ng Court of Appeals ang reinstatement ni Commission on Higher Education Executive Director Julito Vitriolo.
Ito’y matapos ibasura ng 12th division ng C.A. ang gross neglect of duty, grave misconduct, inefficiency at incompetence na isinampa ng Office of the Ombudsman laban kay Vitriolo.
Kalakip ng desisyon ng Appellate Court ang reinstatement kay Vitriolo without diminution of salary and benefits.
Nag-ugat ang reklamo laban kay Vitriolo makaraan umanong mabigo ang opisyal na imbestigahan ang “diploma mill” education program ng PLM o Pamantasan ng Lungsod ng Manila at National College of Physical Education.
Ang naturang reklamo ay inihain ni dating PLM Faculty Member Oliver Felix.
By: Meann Tanbio
SMW: RPE