Ibinunyag ni Ruby Tuason ang socialite at testigo sa kasong plunder nina Senator Juan Ponce Enrile, Atty. Gigi Reyes at Janet Lim-Napoles na higit pa sa nailahad ni Benhur Luy sa publiko ang tunay na kickback ng mga senador na sangkot sa scam.
Ayon kay Tuason, kulang ang mga data ni Luy, lalo na sa PDAF ni Enrile noong 2004 hanggang 2009.
Sa criminal information ng Ombudsman noong Hunyo ng nakaraang taon, inaakusahan si Enrile ng pagkakaroon ng kickback na P172 million sa pamamagitan ng Chief of Staff nito na si Reyes.
Sa kabila nito, hindi pa masabi ni Tuason kung gaano kalaki ang totoong halaga ng naging kickback ni Enrile at ng iba pang senador na sangkot sa naturang scam.
By Mariboy Ysibido