Sinimulan nang ipamahagi ngayong araw na ito ng LTO o Land Transportation Office ang mga lisensya na may bisa hanggang limang taon.
Sisimulan ang pagre-release ng naka-plastic nang driver’s license sa Metro Manila muna bago palawakin sa iba’t pang lugar ng bansa hanggang Oktubre.
Sakop ng bagong cards ang mga nakapag-apply ng lisensya noong Oktubre ng nakaraang taon.
Ayon kay Transportation Secretary Arturo Tugade, simula pa lamang ito ng kanilang hakbang upang tuluyang tapusin ang problema ng LTO sa lisensya.
Matatandaan 3 taon lamang ang bisa ng lisensya sa bansa at karamihan sa mga nailabas ng LTO ay gawa lamang sa papel.
By Len Aguirre