Binayaran na ng Transport Network Company na Uber ang P190 million na multang ipinataw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.
Dakong ala-1:00 ngayong hapon nang maghain ng bayad ang mga abogado ng Uber sa opisina ng LTFRB sa Quezon City.
Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag ang kampo ng Uber.
Una nang pinagbigyan ng LTFRB ang hiling ng Uber na i-lift ang isang buwang suspensyon sa kanilang mga operasyon kung makapagbibigay ito ng P190 million.
Ito ay multa sa hindi pagsunod ng Uber sa ban order ng LTFRB kaugnay sa pagtanggap ng mga bagong unit applications.
Ayon sa LTFRB, ire-remit nila sa National Treasury ang nasabing halaga ng pera.
— AR/ DWIZ 882