Agad ihahain sa plenaryo ang committee report ng Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ito ay matapos sabihin nina House Speaker Sonny Belmonte at Majority Congressman Neptali Gonzales na uunahin sa pagbubukas ng sesyon ang debate at ang pagpapasa sa BBL.
Hinihiling na din anila ng mga taga-Mindanao, partikular ni ARMM Governor Mujiv Hataman ang mabilis na pagsalang sa debate at pagpasa ng panukala.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)