Tutulong na rin ang DepEd o Department of Education para sa rehabilitasyon ng mga kabataang nasasangkot sa iligal na droga.
Ito ay kasunod na rin ng planong random drug testing ng kagawaran sa mga estudyante sa high school.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, sa pamamagitan ng programa ng kagawaran na alternative learning system o ALS ay kanilang matutulungan ang mga kabataang naliligaw ng landas dulot ng Iligal na droga.
Dagdag ng Kalihim, hindi lamang mga nag-aaral na kabataan ang kanilang tututukan sa programa para sa rehabilitasyon kundi maging ang mga out of school youth.
Samantala, sinabi rin ni Briones na kanila ring isasailalim sa ALS ang mga estudyante sa Marawi City na lubhang naapektuhan ng nagpapatuloy na gulo sa lungsod.
By Krista de Dios