Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga batang bakwit ng katiyakan na malapit nang matapos ang gulo sa Marawi City.
Ito ay inihayag ng Pangulo kasabay ng pagbisita ng 35 mga batang bakwit sa Malakanyang bilang bahagi ng socio cultural tour na inorganisa ng Task Force Bangon Marawi.
Sa kanyang mensahe para sa mga bantang bakwit, nangako si Pangulong Duterte na muling ibabangon ang Marawi City at pagbibigay ng maayos at mapayapang pamumuhay.
Prayoridad aniya sa rehabilitasyon ang muling pagtatayo ng mga bagong paaralan at mga tahanan.
Ang educational tour para sa mga batang bakwit ay isinagawa upang kanilang makita ang isang mapayapang kapaligiran at magkaroon ng positibong perpektibo sa kabila ng mga dinanas na karahasan sa Marawi City.
Palasyo bukas sa alok na ayuda ng Australia sa AFP
Bukas ang Malakanyang sa alok ng Australian government na sanayin ang miyembro ng APF o Armed Forces of the Philippines sa pagtugon sa terorismo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, malaking bagay para sa AFP ang inialok na ayuda ng Australian government lalo’t problema sa maraming bansa ang terorismo.
Gayunman, nilinaw ng kalihim na limitado lamang ang technical matters, training, information gathering at sharing ang maaaring tanggaping tulong ng Pilipinas mula sa Australia.
Giit ni Abella, walang tatanggaping anumang ground works ang Pilipinas mula sa Australia dahil paglabag aniya ito sa batas at mahigpit na ipinagbabawal ang direktang partisipasyon ng mga sundalo sa combat operations.