Nag-poprotesta umano ang mga taga-Ozamiz City sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na ilipat si Iloilo City si Chief Inspector Jovie Espenido.
Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa na idudulog niya sa Pangulo ang mga protesta ng mga residente ng Ozamiz City.
Ayon kay Dela Rosa, hindi pa tuluyang panatag ang sitwasyon sa Ozamiz City kahit napatay na at naaresto ang ilang miyembro ng pamilya Parojinog na umano’y pasimuno ng droga sa lungsod.
Inamin naman ni Dela Rosa na alanganin pa rin siyang ilipat sa Iloilo City si Espenido bagamat may inisyu na siyang assignment order sa opisyal bilang OIC ng Iloilo City police.