Kinatigan ng Korte Suprema ang pagpataw ng Office of the Ombudsman ng ‘preventive suspension’ laban kay dating Philippine National Police Chief Director General Alan Purisima.
Sa inilabas na desisyon ni Associate Justice Estela Perlas-Bernabe, pinagtibay ng Kataas-taasang Hukuman ang ipinataw na anim na buwang ‘preventive suspension’ na walang sahod kay Purisima dahil sa maanomalyang kontrata na ipinasok ng PNP sa isang courier service noong 2011.
Ayon sa Korte Suprema, nakakita ang Ombudsman ng ‘evidence of guilt’ laban kay Purisima para isailalim ito sa preventive suspension.
Nilinaw ng Supreme Court na hindi ‘prejudged’ at hindi inalisan ng karapatan ng Ombudsman si Purisima para sa due process.
By Arianne Palma