Aminado ang Western Mindanao Command (WESMINCOM) na may kahirapan ang final stage ng pakikipagdigma nila sa Maute group sa Marawi City.
Ayon kay Lt. General Carlito Galvez, Commanding General ng WESMINCOM, nakapaghanda ng matibay na sanctuario ang Maute group sa may palengke ng Marawi malapit sa Lanao Lake.
Sinabi ni Galvez na may mga sitwasyon silang hindi inaasahan tulad ng nagawang tunnel ng Maute group mula sa isang gusali patungo sa kabilang gusali.
“Ang mga ginagalawan nila, unang-una may mga area na masasabi natin na medyo restricted area kasi ito’y mga sacred grounds na kinubkob ng Maute brothers, may dominating features at buildings po diyan kaya medyo nahihirapan tayong kunin, may mga criss-crossing panels silang ginawa at mga tinatawag nating sewerage ginamit nilang defensive positions at maneuvering space, meron tayong nakitang isang panel na connecting from one building to another.
“Ang Lake Lanao napakalawak niyan, it’s a challenge for us to secure the place, kaya nakakapuslit paunti-unti ang reinforcement diyan (para sa Maute)”
“Based sa pag-aaral namin, the Maute group started the movement in 2014, so nakikita namin na 3 years ang naging preparation nila.” Ani Galvez
Gayunman, nagpahayag ng pag-asa si Galvez na malinis nila mula sa mga terorista ang Marawi City nitong Setyembre upang masimulan na ang rehabilitasyon.
Kumbinsido si Galvez na tanging si Omar Maute na lamang ang natitirang lider ng mga terorista.
“Sa nakita namin si Omar na lang ang very prominent, we don’t know of the other siblings, we can’t confirm dahil wala pang bodies.
“Nasa final boost na tayo, nasa 500×500 square meters na tayo ng ginagalawan ng kalaban. At least first week ng September (matapos ang Marawi crisis) para makapagsimula na tayo ng rehabilitation.” Pahayag ni Galvez
By Len Aguirre / Ratsada Balita Interview