Pinuna si Senador Antonio Trillanes IV ang tila pag-aabogado umano ng Blue Ribbon Committee kina Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte at Atty. Manases Carpio.
Sa muling pagdinig ng Senado sa P6.4-billion shabu shipment na nakalusot sa Bureau of Customs nitong Mayo, binigyang diin ni Trillanes na may sapat na dokumento at ebidensya para paharapin sa Senado ang dalawa.
“I believe we have enough information that would warrant the invitation for both attorney Mans Carpio and Vice Mayor Paolo Duterte to this committee hearing.”
“I heard the majority floor leader that it’s hearsay. Hindi ito korte ha. This is an investigative body. We’re just establishing the truth, fine-ferret out natin yung truth. Let them defend themselves. Huwag muna tayo mag-abogado sa kanila.” Pahayag ni Trillanes
Sinabi ni Trillanes na ang pagharap nina Duterte at Carpio sa Senado ay isang paraan para malinis ang kanilang mga pangalan matapos na madawit ang mga ito na nasa likod ng umano’y Davao Group na isinasangkot sa mga transaksyon sa Bureau of Customs.
Hindi naman ito ikinatuwa ni Senator Sotto at sumagot na hindi siya nag-aabogado para kina Paolo at Mans.
“Hindi tayo nag-aabogado. I’m just saying, ang sinabi ko, sabi ko pag-aralan muna ng committee sapagkat hearsay. It doesn’t mean na huwag. Huwag mo ako pagbibintangan.”
Iginiit ni Sotto na ang dapat tutukan ay malaman kung sino ang mga totoong nasa likod ng shabu shipment.
“Doon tayo mainit dapat at doon ang concentration natin. Huwag natin ihalo yung mga taong walang kinalaman sa shipment na yun.” Pahayag ni Sotto
AR / DWIZ 882