Wala umanong dapat ikainggit o ikaselos ang Kapamilya actor na si Paulo Avelino sa closeness ng anak niya kay LJ Reyes sa boyfriend nitong si Paolo Contis.
Ani Paulo, alam naman ng bata na siya ang tatay at may mga oras din naman umano na nakakasama niya ang kanyang anak.
Dagdag pa ng Kapamilya actor, ang gusto lamang niya sa anak ay maging masaya.
Ang anak nina Paulo Avelino at LJ Reyes ay nasa pitong taong gulang na.
Sa hiwalay na panayam, sinabi ni LJ na hindi pinapalitan ni Paolo Contis si Paulo Avelino bilang ama ng bata.