Nakataas ang shellfish ban sa walong (8) lalawigan sa Visayas.
Ito ayon sa BFAR o Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ay matapos mag positibo sa red tide toxin ang katubigang bahagi ng Milagros, Masbate.
Kabilang sa mga ipinagbabawal na pag hanguan ng lahat ng uri ng shellfish ang Irong Irong Bay, Maqueda Bay, Villareal Bay at katubigang bahagi ng Daram Island sa Western Samar Matarinao Bay sa Eastern Samar, Carigara Bay sa Leyte, Balite Bay at Mari Kapwa sa Davao Oriental
Bukod pa ito sa Tambobo Bay at Siaton sa Negros Oriental, Inner Malampaya Sound Taytay, Puerto Princesa Bay at Puerto Princesa City sa Palawan, katubigang bahagi ng Gigantes Islands at Carles sa Iloilo at Coastal Waters ng Mandaon sa Masbate.
Nilinaw naman ng BFAR na ang isda, pusit, alimasag at hipon na makukuha mula sa mga naturang lugar ay ligtas kainin subalit kailangan lamang linisin at lutuing mabuti ang mga ito.
By Judith Larino
SMW: RPE