Pasok na sa itinuturing na krimen sa ilalim ng revised penal code ang pagpapakalat ng ‘fake news’
Ito ay matapos lagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 10951 o batas na nag-aamyenda sa revised penal code.
Sa ilalim ng bagong batas, mas pinatindi ang parusa na ipapataw sa mga krimeng treason, sedition, rebellion at ang tinatawag na ‘fake news’.
Ayon sa probisyon ng bagong batas, sinumang magkalat ng pekeng balita sa kahit anong paraan ng paglalathala na maaring maging mapanganib sa publiko at mapahamak ang interes ng estado ay mapaparusahan.
Maaaring pagmultahin ng aabot sa P40,000 hanggang P200,000 ang sinumang maglalathala ng fake news.
By Arianne Palma