Inihahanda na ng pamahalaan ang commitment papers ng Pilipinas para sa climate change.
Ito’y bilang pakikiisa sa 21st United Nations Framework Convention on Climate Change Conference of Parties na gagawin sa Paris, France sa Disyembre.
Ayon kay Climate Change Committee Vice Chairperson Secretary Lucille Sering, nasa huling yugto na ng konsultasyon ang intended nationally determined contributions ng Pilipinas na isa mga mahahalagang dokumento na kanilang isusumite sa pagtitipon.
Nakatuon aniya ang detalye ng nasabing dokumento sa pagbabawas ng carbon emission.
Kabilang sa mga ahensya ng gobyernong kasama sa konsultasyon ay ang Department of Energy, DOTC, DENR at Department of Agriculture.
By Jaymark Dagala