Isa si Senador Bongbong Marcos sa mga kinukunsidera na maging running mate ni Vice President Jejomar Binay sa 2016 elections.
Kinumpirma ito ni UNA Interim President at Navotas Representative Toby Tiangco.
Gayunman, tumanggi si Tiangco na banggitin ang iba pang personalidad na napipisil na maging Vice Presidential bet ng UNA.
Kasabay nito, sinabi ni Tiangco na posibleng ianunsyo nila sa Setyembre 30 ang kumpletong line up ng kanilang partido para sa halalan sa susunod na taon.
By Meann Tanbio