Umatras na ang babaeng complainant ng kasong sexual assault na isinampa laban sa ‘Tawag ng Tanghalan’ champion na si Noven Belleza.
Ito ay matapos na maghain ng affidavit of desistance ang complainant sa Cebu City Regional Trial Court (Cebu – RTC), na humihiling na iatras na ang reklamong ibinato laban sa singer.
Nakasaad sa affidavit na malaki umano ang naging epekto ng kaso sa kanya at sa pamilya nito.
Dagdag pa ng complainant, iniurong na niya ang kasong criminal laban kay Noven, ito ay para na din umano sa ‘peace of mind’ niya.
Si Noven ay inaresto noong madaling araw ng Hulyo 16 ng kasalukuyang taon sa Cebu City dahil sa isinampang kaso ng naturang babaeng complainant.