Iginagalang ng Armed Forces of the Philippines ang pasya ng Department of Justice na ibasura ang kasong rebelyon na isinampa laban sa 59 na pinaghihinalaang kasabwat ng grupong Maute na naaresto sa Zamboanga noong Hulyo.
Ayon kay A.F.P. Deputy Chief Of Staff, Brig. Gen. Restituto Padilla, nakahanda ang kanilang hanay na tumalima sa nasabing kautusan.
Patunay anya ito na kinikilala pa rin ng militar ang mga civil court bilang may hurisdiksyon sa mga kasong isinasampa ng A.F.P. sa mga naaresto sa ilalim ng Martial Law.
Wala namang tugon si Padilla kung pinakawalan na mula sa Camp Aguinaldo detention center ang 59 kataong kanilang sinampahan ng kaso.
By: Drew Nacino / Jonathan Andal
SMW: RPE