Tiniyak ng kampo ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog na babalik din ito sa bansa matapos ang dinaluhang international forum sa Japan
Ayon sa abogado ni Mabilog na si atty. Mark Piad, walang balak ang kanyang kliyente na tumakas at magtago kaugnay ng kinakaharap nitong hamon ngayon.
Sinabi ni Piad na posibleng sa Lunes o Martes ay uuwi na sa Iloilo si Mabilog.
Matatandaang nahaharap sa kontrobersiya si Mabilog matapos siyang akusahan ng Pangulong Rodrigo Duterte na protektor umano ng sindikato ng iligal na droga at kasama pa ang pangalan nito sa updated na narcolist.
Kasalukuyan namang isinasailalim sa lifestyle check si Mabilog matapos ipag-utos mismo ng Pangulong Duterte.
By: Rianne Briones
SMW: RPE