Arestado ang limang drug pusher na sinasabing nag su – supply ng iligal na droga sa estudyante sa ilang unibersidad sa Lucena City.
Ayon kay Quezon Police Director Senior Supt. Rhoderick Armamento, kinilala ang mga suspek na sina Marilou Uy, Pepito Cadiz, Edgar Marquez, Elsa Esteves at Anwar Borongo.
Naaresto ang mga ito sa barangay Ibabang Dupay sa dalawang magkahiwalay na operasyon.
Nakuha sa mga suspek ang kabuuang 35 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng higit 60,000 Piso.
By: Rianne Briones
SMW: RPE