Hindi patitinag ang simbahang katolika sa pagtuligsa laban sa mga maling gawain ng pamahalaan.
Ito ang binigyang diin ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa kabila ng mailap na trato ng pamahalaan laban sa mga katoliko.
Ayon kay Arcbishop Villegas, hindi dapat matakot ang mga kapwa niya pari , madre at iba pang katoliko at sa halip ay magpatuloy ang mga ito sa pamamahagi ng salita ng diyos.
Matatandaang “vocal” ang Simbahang Katolika sa pagtuligsa sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga lalo na’t napakarami na ng mga kaso ng extrajudicial at summary killings sa bansa.
By: Arianne Palma
SMW: RPE