Halos balik na sa normal ang bentahan ng manok sa Pampanga matapos ang bird flu outbreak .
Bumagsak sa 110 pesos ang presyo ng kada kilo ng manok sa mga pamilihan sa naturang lalawigan.
Ayon sa mga tindero , nakatulong ang pagkain ni Pangulong Rodrigo ng manok sa Pampanga upang ipakita sa publiko na ligtas kainin ang mga ito.
Paliwanag ng Department of Agriculture Region 3 , pinapayagan ang pagbebenta ng manok at iba pang poultry products basta kumpleto ang dokumento tulad ng shipping permit at veterinary health certificate.
By: Arianne Palma
SMW: RPE