Nanindigan si Senador Antonio Trillanes IV na trabaho lamang ang kaniyang ginagawa at walang personalan.
Ito’y ayon kay Trillanes kasunod ng ihahaing impeachment complaint laban sa kaniya ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon makaraang magtalakan sila sa pagdinig nuong isang linggo.
Hinamon pa ni Trillanes si Gordon na ihain na lamang ang reklamo at ipanalo kung talagang magaling itong abogado.
Tila isinara na rin ni Trillanes ang kaniyang pintuan sa mga kasamahan niya sa Senado partikular na kay Senate President Koko Pimentel para sa isang diyalogo.
By: Jaymark Dagala
SMW: RPE