Binuksan na ngayon ang isang kakaibang pasyalan sa Paris, France.
Ito’y dahil sa ang pasyalang ito ay laan para sa mga nagnanais maglakad ng walang saplot.
Layon ng nasabing pasyalan na mapalapit ang mga taong bumibisita roon sa kalikasan kaya’t kailangan hubo’t hubad silang maglalakad doon.
Kasunod nito, tiniyak ng mga opisyal sa Paris na ligtas na makapamamasyal sa nasabing lugar ang mga nudist o nude tourists.
Bukas lamang ang naturang pasyalan mula Agosto 31 hanggang Oktubre 15 ng taong kasalukuyan.
By Jaymark Dagala