Inalis na ng Department of Foreign Affairs ang courtesy lane ng mga travel agency at empleyado ng D.F.A. para sa passport application renewal.
Ayon kay Ricarte Abejuela, acting Director ng Passport Division ng Office of Consular affairs ng D.F.A., simula noong Agosto 01, nasa 1200 slots na naka-reserba para sa mga DFA employee at travel agency ang ini-re-distribute sa publiko.
Nais anya nilang ibalik si publiko ang appointment slots kaya’t alinsunod sa bagong polisiya ay daraan sa kahalintulad na prosesong dinaraanan ng lahat ng iba pang aplikante ng passport renewal ang mga kliyente ng mga travel agency.
Kabilang sa mga makikinabang sa courtesy lane ay mga Senior Citizen, Persons With Disabilities, buntis, solo parents, mga batang pitong taong gulang pababa at Overseas Filipino Worker.
By: Drew Nacino
SMW: RPE