Palalakasin ng Japan ang kanilang Missile Defense System sa gitna ng lumalawak na banta ng nuclear missile attack ng North Korea sa Asya.
Ito ang inihayag ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe matapos ang matagumpay umanong Hydrogen Bomb test ng Nokor.
Ayon kay Abe, maglalaan ang gobyerno ng malaking pondo para sa pagpapalakas ng missile defense capabilities ng Japan sa tulong ng Amerika.
Aminado ang Japanese Prime Minister na maka-ilang beses na silang nalusutan ng mga missile mula Nokor dahil sa kabiguan ng kanilang defense system na ma-detect ang anumang paparating na projectile.
By: Drew Nacino
SMW: RPE