Binuwag na ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang Command Center o COMCEN ng Bureau of Customs matapos ang kabiguan nito na harangin ang 6.4 Billion Pesos na halaga ng shabu.
Sa ilalim ng Customs Memorandum Order 14-2017, ibinalik ni Lapeña sa Deputy Commissioners ng intelligence Group, Enforcement Group at lahat ng district collectors ang kapangyarihan na mag- issue ng alert Orders.
Ito, anya, ay pagpapakita ng kanyang buong tiwala sa mga opisyal at kawani ng Aduwana.
Magugunitang kinuwestyon ng mga mambabatas ang kabiguan ng COMCEN na maharang ang shabu shipment mula China noong Mayo.
By: Drew Nacino
SMW: RPE