Masyado pa umanong maaga ang pahayag ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na nakuha na nito ang suporta ng 14 na Senador o mayorya ng Senado para sa Ethics Complaint laban kay Senator Antonio Trillanes.
Ito, ayon kay Trillanes, ay dahil mahaba pang proseso ang pagdaraanan ng ethics complaint laban sa kanya.
Magsasagawa pa anya ng hearing ang ethics committee at kung anuman ang maging findings ng kumite ay daraan pa ito sa plenaryo at pagdedebatahan hanggang pagbotohan.
Muling iginiit ni Trillanes na wala siyang ginawang “un-ethical o un-parliamentary” sa nakalipas na pagdinig ng Blue Ribbon Committee kung saan nagkainitan sila ni Gordon.
By: Drew Nacino / Cely Bueno
SMW: RPE