Pumalag ang mga miyembro ng minority sa Senado makaraang ihain na ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon ang ethics complaint nito laban kay Senador Antonio Trillanes IV.
Sa isang kalatas na ipinalabas ng Minority Bloc sa Senado, nais nilang malaman kung bahagi ba ng harassment ng administrasyon laban sa oposisyon ang inihaing reklamo laban sa isa nilang kaalyado.
Kapuna-puna anila na ang paghahain ng reklamo laban sa isang miyembro ng oposisyon ay dahil lamang sa pagsalungat nito sa mga posisyon at prinsipyo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Partikular na tinukoy ng Minority Bloc sa Senado ang inihaing ethics complaint noon laban sa nakakulong ngayong si Senadora Leila de Lima at ang panghuli ay kay Trillanes.
Kasunod nito, muling tiniyak ng Minority Bloc ang kanilang pagsuporta kay Trillanes na tanging hangad lamang ay mailabas ang katotohanan at patuloy na naninindigan laban sa mapanikil na rehimen ni Pangulong Duterte.
By Jaymark Dagala
SMW: RPE