Pinag-aaralan na ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas kung sino ang kanyang magiging ka-tandem para sa 2016 elections.
Ayon kay Roxas, mahalagang ang magiging ka-tandem niya ay naniniwala at tumatangkilik din sa Daang Matuwid dahil maliban sa pagiging islogan, ito din ay isang pamantayan sa pamumuhay at pamumuno.
Umaasa naman ang Kalihim na magkakaroon pa sila ng pagkakataon ni Senator Grace Poe na makapag-usap hinggil sa eleksyon, lalo na at una nang sinabi ng Pangulong Noynoy Aquino na makakabuti kung magsasama ang mga mayroong magkaparehong pananaw.
Iginiit din ni Roxas na ang kanyang pagtanggap sa endorso ng Pangulo ay hindi para sa kanyang pansariling ambisyon, kundi para sa misyon na ipagpatuloy ang Daang Matuwid.
By Katrina Valle | Jonathan Andal