Idineklara na ang state of emergency sa Puerto Rico bilang paghahanda sa inaasahang pagtama ng category three hurricane Irma rito.
Ayon kay Puerto Rico Governor Ricardo Roselló, bukod sa pag-apruba ng nasa 15 dolyar na emergency fund, inalerto na rin ang national guard para tumulong sa mga masasalanta ng nasabing bagyo.
Bukod dito, nagpatupad na rin sila ng price freeze para sa mga pangunahing bilihin tulad ng pagkain, inuming tubig, gamot, power generators at mga baterya.
Batay sa US National Hurricane Center, inaasahan ang pagtama ng hurricane Irma sa kanlurang bahagi ng Amerika sa Miyerkules.
By Krista de Dios