Ipinaaaresto ng Sandiganbayan si Moro National Liberation Front Founding Chairman Nur Misuari dahil sa kasong graft at malversation.
Kaugnay ito sa maanomalyang pagbili ng mga educational material ng gobyerno ng ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao na nagkakalahaga ng 115 milyong piso.
Lumalabas na nagastos ang nasabing halaga noong 2000 at 2001 kung kailan si Misuari ang nakaupo bilang ARMM governor.
Nakitaan din ng probable cause para isailalim sa paglilitis si Misuari at iba pang mga dating opisyal ng ARMM sa nabanggit na kaso.
By Arianne Palma / (Ulat ni Jill Resontoc)