Inamin ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na wala silang ginagawang hakbang para solusyunan ang problemang may kaugnayan sa EJK’s o extra judicial killings.
Paliwanag ni Dela Rosa, kaniya lamang pinaaalalahanan ang mga pulis na sumunod sa kanilang police operational procedure.
No your honor because if it is on the police operation procedure your honor we just have to follow police operation procedure your honor.
Samantala, kinuwestyon naman ni Senador Franklin Drilon ang hindi pagsusumite ng PNP sa senado ng hinihinging spot report ng mga napapatay ng mga pulis sa kanilang kampanya kontra iligal na droga.
Sinabi ni Dela Rosa na nakahanda na aniyang isumite ang naturang report ngunit mismong si Pangulong Rodrigo Duterte aniya ang pumigil sa kanila.
There was instruction from the President na we have to ask for clearance from him before we give those papers.