Sinimulan ng ipamahagi ng lokal na pamahalaan ng San Luis, Pampanga ang ayuda para sa poultry farmers na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa bird flu outbreak.
Aabot sa 30 poultry owners ang nakatanggap ng tulong mula sa DA o Department of Agriculture.
Ayon kay San Luis Pampanga Mayor Venancio Macapagal, malaking tulong ito sa mga may – ari ng manukan para makapagsimula muli at bawiin ang negosyong nalugi.
Sinabi pa ng opisyal na papatawan na rin ng multa ang mga hindi agad magre-report ng kaso ng pagkamatay ng kanilang mga alagang manok at hihigpitan na din ang paglalabas ng permit upang hindi na maulit muli ang pagkalat ng bird flu virus.