Positibo ang resulta ng paraffin test kay suspected big time drug lord Richard Prevendido at anak nitong si Jason.
Nangangahulugan ito ayon sa mga otoridad na pinaputukan ng mag-amang Prevendido ang mga pulis na naka-engkuwentro nila noong Biyernes.
Ang mag-amang Prevendido ay nasawi sa police operations sa Land Heights Subdivision sa Barangay Balabago, Jaro, Iloilo kung saan isinilbi ng mga otoridad ang arrest warrant alban sa mga ito.
Sinasabing tinanggihan ng matandang Prevendido ang arrest warrant kaya’t nagkaputukan.
Kasabay nito, tinutugis na ng mga otoridad ang mga umano’y kasabwat ni Prevendido na nag o-operate sa Iloilo at Capiz.