Inilibing na ang 19 anyos na si Carl Angelo Arnaiz, na napatay matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa Caloocan City, noong Agosto.
Dakong alas 3:00 kahapon nang ihatid si Carl sa kanyang huling hantungan sa Aliw Cemetery sa Pateros.
Dinagsa naman ng kanyang mga kaanak, kaibigan at mga dating kaklase ang motorcade mula sa kanilang bahay sa barangay San Andres, Cainta, Rizal patungong sementeryo.
Pero bago nito, naging emosyonal ang isinagawang misa para kay Carl sa Mater Dolorosa Church sa East Rembo, Makati city bago ilibing ang dating U.P. student.
By: Drew Nacino
SMW: RPE