Aprubado na ng Kamara ang 1,000 Peso 2018 proposed budget ng Energy Regulatory Commission.
Sa plenary debate kahapon, ipinanukala ng E.R.C. 365 Million Peso allocation para sa susunod na taon kabilang ang 14 Million Peso retirement at life insurance.
Gayunman, isinulong ng budget sponsor na si Zamboanga City Rep. Celso Lobregat ang approval ng 1,000 Peso budget para sa E.R.C. dahil balot ang komisyon ng mga kontrobersya partikular ang pagpapakamatay ni director Francisco Jose “jun” Villa Junior na nagsiwalat ng katiwalian sa ahensya.
Aminado naman si Lobregat na inaprubahan nila ang kapiranggot na pondo alinsunod sa mga instruction ni House Speaker Pantaleon Alvarez upang linisin muna ng E.R.C. ang hanay nito matapos ang mga alegasyon ng katiwalian.
By: Drew Nacino / Jill Resontoc
SMW: RPE